HOOVER MAGCAMIT
Hindi ko inaasahan ang pagkakataong gaya nito na makapunta sa Tagwak ang Barangay ni Norimer Malinao. Malaki talaga ang nagagawa kapag nakainom na. Sulit naman dahil isa ito sa adhikain ng ating batch, makatulong at damayan ang mga taong maysakit. Sa munti naming pasalubong, ang Oraro Cookies, at naibigay ni Joyce na chocolate at kalahating bilaong pansit ay napasaya namin si Hoover.
Mula sa kwento ng mga taong kasama ni Hoover sa bahay, nabagbag ang aming damdamin sa kanilang mga kuwento. Halos di makagalaw siya noong mga unang taon nang pagkapinsala ng kanyang buto at katawan. Dahil sa kalasingan, naibagsak siya ng driver sa isang tabi sa kahabaan ng kalsada ng Maynila.
Sa palagay ko/niya na hindi dahil sa pagkakatulog niya sa Jeep o ang pagbagsak sa kanya ang dahilang ng kanyang sakit. Ang sabi ko baka maysakit na siya o talagang napakababa ng calcium niya kaya siya nagkaganon. Nataon lamang na nasa Jeep niya naramdaman na hindi na siya makakilos at makagalaw.
Ipagpray na lamang natin ang kanyang patuloy na recovery.
No comments:
Post a Comment