Monday, October 11, 2010

MSAT BATCH 82 REUNION 2012

October 9 Meeting –Tahanan sa Isok, Boac, Marinduque

Mga Dumalo:

1. Jane Manalo – Mandia
2.Jocelyn Solomon – Narito
3. Norimer Malinao
4. Ulysses Sena
5. Alexander Buñag
6. Larry Luisaga
7. Rubelita Janda – Oracion
8. Joyce Manguera
9. Renato Jogno
10. Arnulfo Janda
11. Enrico Mariposque
12. Jorge Mandia
13. Analyn Quinitio – Quijano

Bilang panimula ng meeting inumpisahan ito sa isang panalangin at blessing ng aming pananghalian sa pangunguna ni Analyn Quinitio.

Sa pagpapatuloy ay binasa ko sa kanilang harapan ang minutes noon sa July 31 MOA Meeting.

May 5 & 6, 2012 ang napagkasunduan date para sa ating Reunion. Bagamat ang 6 ay di pa gaanong napag-usapan. Ito ay tatalakayin natin sa susunod na meeting.

Madali naman nilang nagustuhan ang mga nabanggit na date sapagkat ang mga naunang date ay fiesta sa Sta. Cruz, May 15 sa bayan ng Mogpog at May 18 ay Piyesta sa Gasan.

Napag-usapan ang mga proyekto at nagkaisa sa SCHOLARSHIP PROGRAM sa mga anak ng ating mga ka-batch at ang MSC ang napiling paaralan upang doon sila pag-aralin. Hindi man tayo makapag-ambag ng mga istruktura, mapapakinabangan naman ng school ang ating batch sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga scholars.

Bagama’t scholarship ang No. 1 objective ng ating batch kailangan makapag generate tayo ng mga pagkakakitaan. At ang makapag-ipon muna ng pondo.

Suggestions and Pledges

Norimer Malinao - magbibigay ng isang sakong bigas

Enrico Mariposque - iikot ng buong Marinduque upang magdala ng Sulat, Calling Cards at hihingi ng mga old pictures and new pictures and the same time ma-assess kung ano ang kalagayan ng mga anak ng ating mga kabatch.

Jorge Mandia - design ng T-Shirt, bahala sa mag-hanap ng old logo. Ang design ng T-shirt “Noon kami” ang text sa unahan tapos sa likod ito ang text “Ito na kami ngayon.”

Joyce Manguera – sagot ang gasoline nina Ikoy sa pag-ikot buong Marinduque.


Ito ang mga impormasyon na dapat maiparating natin sa kanila.

  • Ka Batch Kasama ka sa Pag-unlad
  • Walang registration, presensiya ninyo ang kailangan natin/namin. Kita-kita tayo.

Batchmates info:

· Luisito Macayaon – nakapangasawa ng isang Micronesian.

· Serafin Mayo – patay na.

Updates sa ating mga teachers

  • Mrs. Juliet Espino – maattend ng ating reunion, nabalitaan ko mula kay Gabriel Linga.
  • Mr. Romeo Montalan – patay na rin sabi ni Norimer Malinao.

Kahilingan ni Norimer

· Pansinin natin ang mga tulad ni Hoover Magcamit, kailangan niya ang ating tulong.

PS. Salamat nga pala kay Joyce sa malaki niyang tulong sa naganap na meeting sa Tahanan sa Isok at may pang-inom pa.

Baka may maidagdag pa ako dito. Hindi ko lang marecall… ….

Paki Confirm - Patay na Raw si Serafin Mayo

Ka chat ko ang pinsan ni Serafin Mayo, ibinalita na patay na siya. Shocked ako.. Si Joseph Manuba ang pinsan ni Tapin...

Nag-volunteer si Enrico "Ikoy Mariposque

Enrico "Ikoy" Mariposque

Laking tulong ang ma-iicontribute ni Ikoy sa ikatatagumpay ng ating reunion dahil mismong sila ni Norimer ang partner para libutin/at hanapin ang ating mga kaklase. May nagmagandang batch natin ang nag-sponsor sa kanilang pamasahe. Hihingi siya ng kopya ng batch natin na naka-arrange sa mga barangay.

Magdadala na rin sila ng sulat at Calling Cards para maiwan sa mga madadatnan nila sa mga bahay-bahay ng ating mga ka-batch.
Biruin ninyo iikot si Ikoy sa buong Marinduque.

MSAT BATCH 82 REUNION 2012

Sunday, October 10, 2010

Hoover Magcamit - Nakakarecover Na

HOOVER MAGCAMIT

Hindi ko inaasahan ang pagkakataong gaya nito na makapunta sa Tagwak ang Barangay ni Norimer Malinao. Malaki talaga ang nagagawa kapag nakainom na. Sulit naman dahil isa ito sa adhikain ng ating batch, makatulong at damayan ang mga taong maysakit. Sa munti naming pasalubong, ang Oraro Cookies, at naibigay ni Joyce na chocolate at kalahating bilaong pansit ay napasaya namin si Hoover.

Mula sa kwento ng mga taong kasama ni Hoover sa bahay, nabagbag ang aming damdamin sa kanilang mga kuwento. Halos di makagalaw siya noong mga unang taon nang pagkapinsala ng kanyang buto at katawan. Dahil sa kalasingan, naibagsak siya ng driver sa isang tabi sa kahabaan ng kalsada ng Maynila.

Sa palagay ko/niya na hindi dahil sa pagkakatulog niya sa Jeep o ang pagbagsak sa kanya ang dahilang ng kanyang sakit. Ang sabi ko baka maysakit na siya o talagang napakababa ng calcium niya kaya siya nagkaganon. Nataon lamang na nasa Jeep niya naramdaman na hindi na siya makakilos at makagalaw.
Ipagpray na lamang natin ang kanyang patuloy na recovery.