Wednesday, September 22, 2010

Connie pa edit naman

Ka-Batch ta mandin Celso Rioveros sa Trade….

Kumusta ka na, kami baya ay nagplano para sa ating reunion sa taong 2012… baka di mo namamalayan pang 30 years na natin ito. Limutin muna natin ang mga trabaho at gawain sa bahay, hala tara na…..

Gusto mo bagang alalahanin ang ating mga kakulitan sa klase, kasayahan at kaingayan sa library at ang pagtakas natin tuwing hapon….ang pagbukol sa jeep…ang inuman natin sa tabi tabi laang ng Trade… yong ating kupyahan … yong pangungudigo … at yong mga hindi nagapakupya-naipit maige…minsang tampuhan at awayan.. hayyyyyy naku mas masaya kung sasariwain ito kung makakarating kayo at makipahuntahan… wag kayong mahihiya ha… tiyak magiging kwela ang ating kasayahang ito.

Inaasahan namin ang inyong pagdating…..

larry luisaga
connie morales
lanie oliverio
chona malapad


P.S. Kung may katanungan… may kalakip itong calling card… text nyo na laang kami. Bisita na rin kayo sa facebook at sa ating website.

Kailangan talaga lumabas ako ng lungga para makarami...

Hindi ako nakalabas ng shop sa mga nakalipas na araw. Dahil uso ang mga sakit may isa sa mga kasama ko ang hindi papasok. Kapag pumasok yong isa yong isa naman ang aabsent. Pero kanina (September 22, 2010) napakarami kung nakontak. Si Norimer Malinao ang kinontak ko dahil alam ko na kabarangay nila si Joel Jabat at nalaman ko sa buhat kanya na sa Bulacan na pala nakatira ang pamilya niya. At ngayong gabi dumating ang cellphone number niya (09105186711).

Nag check ako ng savings natin sa landbank at nakita ko si Nards ang kumpare ko at nalaman ko na ang kapatid niyang si Gil Nardo ay namatay na noon pang 2006. Namatay siya sa laban. Natawa ang kumpare ko ng sabihin kong iimbitahan ko pa naman sa REUNION natin.

Napansin ko rin si Arnolito San Jose (huling nag-usap kami sinabi niya sa akin na me asawa na raw siya.) Dahil sa kanya makokontak ko si Amor Sena na nasa Mindoro. At ang sabi ni ARnolito na nakikita daw ako ni Amor Sena. Hindi ko lang alam kung saan.
Kagabi nagmessage ako sa tauhan naming sa branch namin sa Boac at napansin ko na Piedragoza ang apelyido noong tiya niya na naging estudyante ko sa ESTI. At napag-alaman ko na totoo ang hinala ko na baka kapatid ni Bitoy o Gilberto Piedragoza na nasa parteng Norte ang napangasawa (parang Nueva Ecija o Nueva Viscaya). Sana maibigay na rin sa akin ang kontak numbers nila.

Ngayong gabi nagtext back sa TESTA sa akin.. at tinanong sa akin kung kalian ang ating reunion.

Si Marleen nakita ko kanina at binigyan ko siya ng Calling Card… Dali-dali lamang kaya di kami nakapag-usap maige.

Si Renato Milambiling ay pinadalhan ko narin ng sulat at calling kard kanina. Nasa St. James School siya nagtatrabaho.

Si Ignacio Son Jr. na hinahanap ko kagabi ay napag-alaman ko na sa Las Pinas nagtatrabaho. Matagal ko nang alam na doon sila nagtatrabaho…

Si Beth / Elizabeth Llamas sa Sibucao ay napadalhan ko na rin ng sulat at calling card.

Sa mga target ko kanina si Allan Malinao lamang ang hindi ko nabigyan ng calling card.

Thursday, September 9, 2010

Eduardo Landoy - Bacoor, Cavite

Excited na silang magbigay ng tulong

Conversation pa rin namin ni zaldy

Me
si leocadio nag-uumpisa nang mag design ng tshirt... parang nakikita ko na napakasaya nang ating reunion... lahat nag-uumpisa nang gumayak para sa okasyon...
11:06pmZaldy
ms kna ung kalderitangkambing ....
11:07pmMe
paborito ko yon.
11:13pmZaldy
ok n syo ung request k...
11:14pmMe
pwede na yong malaking tulong nayon...
11:15pmZaldy
kyo n ang bahala s panamya..
11:15pmMe
ay oo naman...
pwede rin nating paghukayin sina manrique sa ilaya ng mga luya...
hahah ahah
11:33pmZaldy
magdalaa kau ng saku dming trang ulam non..
11:34pmMe
hahaha
11:36pm

Conversation namin ni Zaldy Montero

Zaldy
sir gud evening... magkano hulog per month.....
10:52pmMe
ang napagkasunduan 100 kada buwan...
napakaliit...kayang kaya...
ano... musta na... medyo maluwag ako ngayon....kaya nakakasagot na ako sa messages nyo... si conie kakausap ko lamang kanina..
10:56pmZaldy
prang payat wri s mga OFW..hahahaha
10:57pmMe
ay oo.... pwede namang dagdagan yon.... biro ngani ni gabi ... di na raw siya maghuhulog at isang baka ang kanyang papatayin... pero matagal pa naman daw yon... baka umabot hanggang tatlo....
10:59pmZaldy
sakin nlang baboy at kambing pwede n b un..
10:59pmMe
noted
tatandaan namin yan... si joycee ngani ay videoke ang gustong dalhin
Zaldy
cge kong papayag kau d n ako maghuhulog..
11:02pmMe
sige

Me
naku tiyak na maraming malalasing dito...
11:04pmZaldy
kol tandaan m un isulat mna wag lang s tubig bka mabura..
11:04pmMe
ipopost ko sa website natin, kaya di ka makakatanggi... hahahha...
marasarap yong kambing...
11:06pmMe
si leocadio nag-uumpisa nang mag design ng tshirt... parang nakikita ko na napakasaya nang ating reunion... lahat nag-uumpisa nang gumayak para sa okasyon...
11:06pmZaldy
ms kna ung kalderitangkambing ....
11:07pmMe
paborito ko yon.

MSC LOGO



jun wla pa akong makitang lumang logo... di pa ako nakapunta sa MSC... buong araw kong inintindi ang pag-open ng account...

LandBank Account



Sa wakas, nakapag-open na rin ako ng account sa LandBank with initial deposit na nagkakahalaga ng Php 9,000.00 pesos. Sabi ng teller na okay daw ang ATM para na momonitor ko kung magkano ang pumapasok na pera sa ating account through internet (LandBank iAccess). Ang pagod pala, punta ka sa barangay para kumuha ng barangay clearance... naku pag sa barangay din lamang ang gulo... alam nyo bang pagkagising ko pumunta na ako sa treasurer para kumuha ng barangay clearance, 'don daw makuha sa secretary (tama naman) kaso pagdating ko sa bahay ng secreatary pumunta daw naman sa treasurer at magabayad daw ako magabayad ('ting 'ting nagpantig ang dalawang taynga kong malalapad...) bakit naman kaya di agad sinabi ng treasurer na magbayad na ako... mabuti kung malamig ang ... tirik na tirik ang araw...). Tapos pumunta naman ako sa pagkuha ng postal id.... alam nyo ba, nakuuwi ako ng 5:OO PM at ako na lamang ang natitirang cliente ng bangko.. isang araw ang ginugol ko sa pag-open ng account.. ok lang yon... basta makaipon tayo...