Friday, May 6, 2011
Monday, April 18, 2011
Thursday, April 14, 2011
Wednesday, April 13, 2011
Attend Kayo ha!....
Mahal kong batchmate,
Isang Pagbati mula sa Batch ’82!
Kumusta na? Matagal na din tayong di nagkikita at maraming taon na ang lumipas
na halos di na natin alam kung anu-ano na nga ba ang mga nangyari at pangyayari
sa buhay ng bawat isa.
Bilang isang kaibigan, kaklase, ka-batchmate at kapwa alumni ng ating Alma Mater
MSC (former MSAT), tayo ay may tungkulin para sa bawat isa, ang iparamdam ang
ating pagmamahal at pagmamalasakit, pagtulong kung kinakailangan at alamin kung
ano na ba ang nangyari sa bawat isa. Kailangan din tayo ng ating Sintang
Paaralan. Alalahanin natin na ang tagumpay ng bawat isa ay tagumpay nating
lahat. Sabi nga “One for Batch ’82, All for One”.
Hahayaan ba natin na lumipas ang panahon na hindi natin nakikita ang ating mga
kaibigan, mga kaklase at mga gurong nagsumikap na mabigyan tayo ng tamang
edukasyon. Sila ang ilan sa mga naging instrumento upang marating natin ang
tagumpay at kung ano tayo ngayon. Mga taong naging kabahagi at nagsilbing
inspirasyon sa ating buhay. Kaya sa darating na Mayo 5, 2012, tayo ay muling
dadalaw sa ating Alma Mater. Sama-sama nating babalikan ang mga nakaraan at
saglit nating bibigyang daan ang mga lumipas. Ito ay para sa ating lahat.
Pasimula pa lamang ito ng muli nating pagsasama-sama.
Kailangan naming malaman ang sukat ng iyong t-shirt para sa maagang pagpapagawa
nito. Isa sa ka-batchmate natin ang boluntaryong magkakaloob ng ating isusuot
na t-shirt kaya makilahok at makisama sa “Batch ’82 Alumni Home Coming”
Kaibigan, dapat nandon ka sa darating na Mayo 5, 2012. Magkita kita tayong
muli. Mabuhay ang Batch ‘82
Maraming Salamat,
SUSAN MADLA-MURILLO
Batch ’82 Representative
Wednesday, April 6, 2011
MSAT BATCH 82 : MARCH 26, 2011 GLORIETA MEETING
Minutes ng Glorietta Meeting last March 26, 2011.
Susan Murillo March 28 at 9:28pm Report
Larry here is the outcome of our meeting last January 26, 2011 (nagkamali lang si Susan d2) at Glorieeta. It was attended by 14 persons namely: Louie Lontayao, Leocadio Jimena, Eduardo Landoy, Noel Landoy, Francisco Testa, Daisy Penaroyo, Luz Laurence, Cora Osacdin, Jaculbia, Chona Macalinga, Ces Nambio, Babelyn Labao, Humabol si Romulo Limpiada and then I was the Presiding Officer:
Theme: Kailangan magkaroon tayo ng theme ng reunion natin para iyon ang ilalagay sa tshirts natin (open for suggestion) anyway medyo matagal pa naman kaya pakipost na lang na magbigay sila ng suggestion kung anong gusto nila. Halimbawa Batch '82 Balik Saya, Balik MSC. Basta the shorter the better basta may eye catching. sama na din kamo ang design na gusto nila. paipost na lang kapag may suggestion sila.
Date of Reunion: May 5, 2012 at our Alma Mater, MSC
cOLOR OF TSHIRT- Light blue ( everybody is requesting to post the size of their shirt as soon as possible) Romulo Limpiada will be the sponsor of out T-shirts and no problem with him.
Contribution: minimum of 500.00 pesos only but this is voluntary. Those who are working in abroad can pledge more than the said amount para masakop na ang iba. Deadline will be December 2011.
We created important committees as follows:
PROGRAM AND INVITATION: Larry, Susan, Chona and Connie.
Responsibilities: In-charge of program and invitation for those who are working in the Philippines and in abroad; in-charge of the program proper, program distribution and design and contents of the program.
LIGHTS AND SOUNDS: Renato Jogno and Jun Jimena
In-charge of lights and sounds during the program/gathering
FOOD: Cora Osacdin and Edna Laurente
In-charge of caterer/catering selection; venue decoration. Tables and chairs and arrangement/preparation of the place will be the responsibility of the caterer. proposed budget is 50 thou good for or with estimated attendees of 100 persons. Thsi can be increase depends upon the attendees. Pwede pang mag-aad ng mga committees as coordinator dyan sa Marinduque. The larger, the better. Combination of the menu/courses will be posted by the caterer for selection thru Edna Laurente
It was suggested and agreed that Jorge Mandia will be in-charge of the place or room in MSC. Probably his room can be used depend upon the numbers of attendees.
WAYS AND MEANS:THIS IS the most important Committee.
Composed of Romulo Limpiada, Louie Lontayao, Francisco Testa, Ruel Montemar, Norimer Malinao, Gina Marte Punzalan, Jojo Labay, Joyce Manguera, Irma Fortun, Ces Nambio, Jane Manndia and Marleen Go, Augusto Noche, Julio Permejo and Gabriel Linga (pwede pa tayong magdagdag kung cno ang pwede nyong i-suggest)
Responsibilities: In-charge of solicitation, findings ways and means for our reunion, prizes and raffles as well as token for our teachers
SOUVENIR: Daisy and Babelyn ( in-charge of souvenir for Batch '82
Notes: Other committees will be created kapag malapit na ang reunion natin.
- there will be a tarpaulin to be posted at the Balanacan Pier and at the MSC campus for welcoming the Batch '82 (c/0 Molong Limpiada)
- What is most important is to attend the reunion for our camaraderie. This will be the time to start our plan for the coming years. Election of Officers will be done on May 5, 2012 during our reunion. Other activities will follow.
So far yab muna Larry. In case may nakalimutan ao pm na lang ulit kita ha. Bahala ka na dyan. Thanks a lot.
Monday, October 11, 2010
MSAT BATCH 82 REUNION 2012
October 9 Meeting –Tahanan sa Isok, Boac, Marinduque
Mga Dumalo:
1. Jane Manalo – Mandia
2.Jocelyn Solomon – Narito
3. Norimer Malinao
4. Ulysses Sena
5. Alexander Buñag
6. Larry Luisaga
7. Rubelita Janda – Oracion
8. Joyce Manguera
9. Renato Jogno
10. Arnulfo Janda
11. Enrico Mariposque
12. Jorge Mandia
13. Analyn Quinitio – Quijano
Bilang panimula ng meeting inumpisahan ito sa isang panalangin at blessing ng aming pananghalian sa pangunguna ni Analyn Quinitio.
Sa pagpapatuloy ay binasa ko sa kanilang harapan ang minutes noon sa July 31 MOA Meeting.
May 5 & 6, 2012 ang napagkasunduan date para sa ating Reunion. Bagamat ang 6 ay di pa gaanong napag-usapan. Ito ay tatalakayin natin sa susunod na meeting.
Madali naman nilang nagustuhan ang mga nabanggit na date sapagkat ang mga naunang date ay fiesta sa Sta. Cruz, May 15 sa bayan ng Mogpog at May 18 ay Piyesta sa Gasan.
Napag-usapan ang mga proyekto at nagkaisa sa SCHOLARSHIP PROGRAM sa mga anak ng ating mga ka-batch at ang MSC ang napiling paaralan upang doon sila pag-aralin. Hindi man tayo makapag-ambag ng mga istruktura, mapapakinabangan naman ng school ang ating batch sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga scholars.
Bagama’t scholarship ang No. 1 objective ng ating batch kailangan makapag generate tayo ng mga pagkakakitaan. At ang makapag-ipon muna ng pondo.
Suggestions and Pledges
Norimer Malinao - magbibigay ng isang sakong bigas
Enrico Mariposque - iikot ng buong Marinduque upang magdala ng Sulat, Calling Cards at hihingi ng mga old pictures and new pictures and the same time ma-assess kung ano ang kalagayan ng mga anak ng ating mga kabatch.
Jorge Mandia - design ng T-Shirt, bahala sa mag-hanap ng old logo. Ang design ng T-shirt “Noon kami” ang text sa unahan tapos sa likod ito ang text “Ito na kami ngayon.”
Joyce Manguera – sagot ang gasoline nina Ikoy sa pag-ikot buong Marinduque.
Ito ang mga impormasyon na dapat maiparating natin sa kanila.
- Ka Batch Kasama ka sa Pag-unlad
- Walang registration, presensiya ninyo ang kailangan natin/namin. Kita-kita tayo.
Batchmates info:
· Serafin Mayo – patay na.
- Mrs. Juliet Espino – maattend ng ating reunion, nabalitaan ko mula kay Gabriel Linga.
- Mr. Romeo Montalan – patay na rin sabi ni Norimer Malinao.
Kahilingan ni Norimer
PS. Salamat nga pala kay Joyce sa malaki niyang tulong sa naganap na meeting sa Tahanan sa Isok at may pang-inom pa.
Baka may maidagdag pa ako dito. Hindi ko lang marecall… ….